Pinalawig ni US President Donald Trump ng isang araw ang kanyang magiging pagbisita sa bansa kasabay ng kanyang pagdalo sa ASEAN Summit ngayong buwan.
Ito ang ipinahayag ni Trump sa mga reporters sa White House bago ang kanyang pagbiyahe sa Asya.
Dahil dito, makadadalo na si Trump sa mahalagang East Asia Summit kung saan makikipagdiyalogo ang 10 ASEAN member state sa mga partner nito sa rehiyon tulad ng Amerika, Australia, New Zealand, China, India, Japan, Russia at South Korea.
Plano umano ni Trump na makausap sa naturang meeting ang Russia ukol sa nuclear threat na idinudulot ng North Korea.
Tatagal ng 12 araw ang biyahe ni Trump sa Asya kung saan bibisita siya sa Japan, South Korea, China, Vietnam at Pilipinas.
Ito na ang magiging pinakamahabang biyahe ng isang Pangulo ng Amerika sa Asya.
Huli itong nangyari noong 1991 noong bumisita si dating US President George W. Bush sa Asya ng 12 araw matapos na magkasakit.
—-