Nilisan na ni US President Donald Trump ang White House ngayong araw ng Miyerkules, Enero 20 bago ang panunumpa ni Joe Biden bilang pinaka matanda at ika-46 na Presidente ng Amerika.
Umalis si Trump sa pinakahuling pagkakataon sa White House bandang alas-8 ng umag (oras sa Amerika) ngayong Miyerkules lulan ng isang helicopter patungo sa kanyang send-off event sa Joint Air Force Base Andrews.
Batay sa ulat ng Reuters, isasagawa mamayang tanghali (oras sa Amerika) ang panunumpa ni Biden sa pagka-Presidente na gaganapin sa harapan ng US Capitol.
Matatandaang sa harapan din ng US Capitol nagprotesta ang mga taga-suporta ni Trump nito lamang nakaraang 2 linggo bilang pagtutol sa pagkapanalo ni Biden. —sa panulat ni Agustina Nolasco