Kinapanayam ng Federal Bureau of Investigation si US Presidential Candidate Hillary Clinton bilang bahagi ng imbestigasyon sa umano’y paggamit nito ng pribadong email server habang nanunungkulan bilang Secretary of State.
Una rito, tinutukan ng publiko sa Amerika ang nasabing imbestigasyon at patuloy na tinitimbang kung karapat-dapat ba si Clinton na manging Pangulo ng kanilang bansa.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung malapit nang matapos ang imbestigasyon ng FBI kay Clinton.
Inaasahang pormal na ipakikilala si Clinton bilang presidential candidate ng democrat bago matapos ang buwang kasalukuyan.
By: Avee Devierte