Sanay na ang ibang bansa, tulad ng Amerika, sa mga lider na naghahayag ng mga maaanghang na salita.
Ito ang iginiit sa DWIZ ni dating Philippine Permanent Representative to the United Nations Lauro Baja kasunod ng umaasim umanong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Bunsod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay US President Barack Obama.
Ngunit, ayon kay Baja, wala namang dapat ikabahala dahil wala itong masyadong epekto sa diplomatic relations ng dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Ambassador Lauro Baja
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita