Kinumpirma ngayon ng Presidential Communications Office na makikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte si U.S. Secretary of State John Kerry sa susunod na linggo.
Layon ng Dalawang araw na pagbisita ni Kerry sa bansa sa July 26 at 27 na mapalakas pa ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Posible umanong matalakay sa pulong ng Pangulo at ni Kerry ang isyu sa West Philippine Sea matapos maging paborable sa Pilipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa mga inangking teritoryo ng China.
Nauna nang nakipagkita kay Pangulong Duterte ang ilang mambabatas ng Amerika kasama si outgoing U.S. Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
By: Meann Tanbio