Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matibay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Ito ay matapos na makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at mag-courtesy call sa Malacañang si US Secretary of State Rex Tillerson.
Tumagal ng 30-minuto ang pag-uusap ng dalawang lider.
Tumanggi namang idetalye ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang mga pinag-usapan ng Pangulo ngunit inaasahan nilang kabilang sa mga ito ang sitwasyon sa Marawi City, terorismo, relasyong pang-ekonomiya at ang kontrobersyal na mga kampana ng Balangiga.
Maliban kay Tillerson, nakipagpulong din si Pangulong Duterte kay Australian Foreign Affairs Minister Julie Bishop na nasa bansa rin para sa ASEAN Plus 3 summit na ginagawa dito sa Maynila.
By Jaymark Dagala | (Ulat ni Aileen Taliping)