Dumating na sa Pilipinas si Anthony Blinken, Secretary of State ng Estados Unidos.
Pagkumpirma ng US Embassy kagabi, makikipagpulong si Blinken kina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Department of Foreign Affairs sectretary Enrique Manalo.
Ito ay para pag-usapan ang mga isyung kaugnay kooperasyon ng dalawang bansa sa enerhiya, pangangalakal, investment, democratic values at pag-rekober mula sa COVID-19 pandemic.
Sina US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at iba pang opisyal mula sa DFA ang nag-welcome sa American Top Diplomat.
Galing sa Phnom Penh, Cambodia ang opisyal matapos dumalo sa US-Asean Ministerial meeting, East Asia Summit Foreign Ministers’ meeting, at ASEAN Regional Forum.