Pinaliwanagan ni US Secretary of State John Kerry si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Paris Pact o ang kasunduan ng maraming bansa para labanan ang Climate Change.
Sa gitna na rin ito ng pagmamatigas ni Pangulong Duterte na kilalanin ang naturang kasunduan kung saan isa ang Pilipinas sa mga signatory nito sa Paris sa pamamagitan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bahagi ng napag-usapan sa Courtesy Call ni Kerry sa Presidente ang usapin ng Climate Change at ipinaliwanag nito ang mga isyung nakapaloob sa Paris Pact.
Bilang tugon, sinabi ng Pangulong Duterte na makikipagtulungan ang Pilipinas basta matiyak na lahat ay pantay-pantay at patas.
By: Meann Tanbio