Bibisita sa Pilipinas si US Secretary of State Rex Tillerson.
Bahagi ito ng biyahe ni Tillerson sa Thailand, Malaysia at Pilipinas mula Agosto 5 hanggang 9.
Dadaluhan ni Tillerson sa Pilipinas ang pulong kasama ang ASEAN o Association of Southeast Asian Nations kung saan nakatakdang pag-usapan ang denuclearization sa Korean Peninsula, Maritime Security at Counter Terrorism.
Samantala, prayoridad naman ng US Secretary of State sa Thailand ang pagbibigay galang sa yumaong hari ng Thailand na si Bhumibol Adulyadej na pumanaw noong nakaraang taon.
Pag-uusapan din doon ang ugnayan ng Thailand at Amerika.
Habang ang biyahe naman ni Tillerson sa Malaysia ay nakatuon sa bilateral relations ng dalawang bansa.