Umaasa si US Secretary of State Mike Pompeo na masusundan pa ng mas maraming pulong sa pagitan ng Amerika at North Korea ang katatapos lamang pag-uusap nina Donald Trump at Kim Jong-Un.
Ayon kay Pompeo, bagama’t walang nabuong kasunduan o plano sa pagitan ng dalawang lider, naniniwala siyang magtutuloy tuloy pa rin ang pag-uusap ng Amerika at North Korea.
Kung hindi man aniya ito panibagong pulong sa pagitan nina Trump at Kim, posibleng magpadala naman ng delegasyon ang amerika sa pyongyang sa mga susunod na araw.
Tiniyak pa ni Pompeo, magpapatuloy ang kanilang trabaho para makabuo ng matibay na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.