Natakdang bumisita si US Secretary of State Rex Tillerson sa Japan, South Korea at China ngayong buwan.
Ayon sa US State Department, ito ay para talakayin ang isyu sa North Korea at iba pang mahalagang isyu.
Batay naman sa ulat ng Kyodo News Agency, inaasahang bibisita si Tillerson sa March 17 hanggang 18 kung saan nakatakda silang magpulong ni Foreign Minister Fumio Kishida.
Posibleng pag – usapan din sa naturang meeting ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Japan.
By Rianne Briones