Balak nang palitan ni US President Donald Trump si Secretary of State Rex Tillerson sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ng isang top official ng White House kasunod umano ng nasirang relasyon ng dalawa dahil sa pagiging malambot ni Tillerson sa North Korea at pagkakaroon ng magkasalungat na mga pananaw.
Ayon sa opisyal, planong ipalit sa puwesto ni Tillerson si CIA Director Mike Pompeo na kilalang loyalista ni Trump at isang foreign policy hard liner.
Habang tinitignan namang ipalit kay Pompeo sa CIA si Republican Senator Tom Cotton na matapat na kaalyado ni Trump.
Matatandaang, naiulat noong Oktubre ang pagtawag umano ni Tillerson kay Trump na isang moron o tanga.
—-