Sinuportahan ng Estados Unidos ang paghahain ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa fishing ban na ipinatupad ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay US State Department Spokesperson Ned Price, salungat sa 2016 arbitral tribunal ruling at international law na nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea ang Unilateral Fishing Moratorium ng China sa disputed territorial water.
Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa China na sumunod sa obligasyon sa ilalim ng international law.
Matatandaang noong Martes ipinatawag ng bansa ang chinese diplomat kasunod ng anunsiyong unilateral fishing ban at umano’y harrassment ng isang Chinese Coast Guard Ship sa mga Pilipinong mangingisda.