Muling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Amerika at China sa West Philippine Sea.
Ito’y matapos itaboy ng Chinese Navy ang isang US surveillance aircraft sa Spratly Islands partikular sa paligid ng Fiery Cross o Kagitingan Reef at Panganiban o Mischief Reef.
Base sa video ng US aircraft, mayroon ng military barracks, lookout tower at mahabang runway ang mga nabanggit na isla habang dose-dosenang dredger din ang namataan na gumagawa ng artificial land.
Dahil dito, walong beses binalaan ng Chinese Navy ang US aircraft na kinalauna’y umalis sa paligid ng Kagitingan at Panganiban.
By Drew Nacino