Malaking tulong sa Pilipinas ang surveillance mission ng Amerika sa mga isla sa West Philippine Sea .
Binigyang diin ito ni Vice Admiral Alexander Lopez, Chief ng AFP Western Command.
Ayon kay Lopez, magandang paraan ang nasabing surveillance effort ng US para mamonitor ang galaw ng China sa mga islang sakop ng Pilipinas.
Wala aniyang mali sa naturang hakbang ng Amerika dahil isinagawa ito sa international airspace at international waters.
By Judith Larino