Tahimik na gugunitain ng Amerika ang malagim na pag-atake ng mga teroristang Al Qaeda sa twin towers ng World Trade Center sa New York noong 2001.
Pangungunahan ni US President Donald Trump ang kanyang kauna-unahang 9/11 commemoration na isasagawa sa Ground Zero Memorial habang patuloy na nakatutok ang lahat sa mga nananalasang hurricane sa ilang bahagi ng Amerika.
Maliban sa New York, magkakaroon din ng simpleng paggunita sa Pentagon gayundin sa White House na nadamay sa pag-atake ng mga terorista 15 taon na ang nakalilipas kung saan, 3,000 buhay ang nalagas.
Kasunod nito, magsasagawa rin ng commemoration ceremony sa Shanksville, Pennsylvania kung saan, bumagsak ang isa pang eroplanong hi-naijack ng mga terorista na siyang pangungunahan naman ni US Vice President Mike Pence.
—-