Tanging ang Amerika lamang ang nananatiling military ally ng Pilipinas.
Tugon ito ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa katanungan ng isang netizen kung mas pipiliin niya ang presensya ng China sa kapaligiran ng Pagasa Island kaysa sa Amerika.
Sa kanyang Twitter post, tinukoy ni Locsin ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika kung saan nagsasagawa ng regular na war games ang dalawang bansa.
Ayon kay Locsin, mas mababalanse ang kapangyarihan ng mga bansa kung mananatiling kaibigan lamang ang China at hindi military alliance.
—-