Tiniyak ng Estados Unidos na iron clad o walang makasisira sa relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Ito ay sa kabila ng naging pahayag ng Pangulong Duterte na huling Balikatan exercises na ng mga sundalong Amerikano at Pilipino ang mangyayari sa susunod na buwan.
Muling nanindigan si US Defense Secretary Ashton Carter na ilang dekada nang matibay ang pinagsamahan ang Amerika at Pilipinas.
Samantala, inihayag ni Carter na magpapatuloy ang pagpapatrolya ng Amerika sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
By Ralph Obina