Tiniyak ng Estados Unidos na walang seryosong banta ng terorismo sa kanilang bansa.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Lisa Monaco, Asst. to the President for Homeland Security and Counter Terrorism kasunod ng paglabas ng video ng ISIS na nagsasabing isusunod nila sa Paris ang Amerika.
Sinabi rin ni Monaco na maingat ang Estados Unidos sa pagtanggap ng mga Syrian refugees.
Sa 20,000 Syrian refugees anya na inirekomenda ng United Nations mula pa noong 2011 nasa 7,000 lamang ang kanilang nakapanayam at wala pang 2,000 ang kanilang inaprubahan.
Una rito, nagbanta ang ISIS sa pamamagitan ng isang video na katulad ng ginawa nila sa France ang sentro rin ng Estados Unidos ang kanilang tatargetin.
By Len Aguirre