Kumpiyansa ang gobyernong Amerika na makalulusot at malalagdaan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa harap ng patuloy na pagkabinbin nito sa Korte Suprema.
Sinabi ni United States President Barack Obama na batid nilang nasa Korte Suprema pa rin ang usapin sa EDCA matapos kuwestyunin ng ilang grupo dahil sa paniwalang paraan umano ito ng Amerika para makapagtayo muli ng kanilang base militar sa bansa.
Tinitiyak ni Obama na kapag mawala na ang mga balakid ay epektibong ipatutupad ang mga probisyon para sa mas matatag na ugnayang pang-depensa.
Sinabi rin ni Obama na malaki ang magiging papel ng EDCA sa bahagi ng kanilang target na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanilang treaty ally na palakasin ang kapasidad sa defense system, humanitarian work at mapalakas ang koordinasyon ng iba pang mahahalagang aktibidad sa rehiyon.
“Solid rock” aniya ang suporta nila sa Pilipinas at para mas tumatag pa ito ay kailangang maipatupad ang EDCA.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)