Hindi umano pinaaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong Amerikano na naka-base sa Mindanao.
Ito ang nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nang matapos ang pahayag ni Pangulong Duterte kahapon hinggil sa mga Amerikanong sundalo.
Ayon kay Lorenzana, binibigyan lamang ng babala ng Pangulo ang tropa ng Estados Unidos para sa kanilang seguridad.
“concerned” lamang anya ang Pangulo sa seguridad ng mga sundalong Amerikano na posibleng gantihan ng mga bandidong grupo sa Mindanao lalo’t naungkat ang naging giyera ng mga Moro at Kano noong 1900 kung saang maraming Muslim ang pinatay.
Naninindigan naman ang kalihim na nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa kabila ng mga pahayag ni Pangulong Duterte.
By: Drew Nacino