Tiniyak ng Amerika na magpapatuloy ang kanilang pagtulong sa Pilipinas sa kampanya laban sa ISIS-Maute sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, bahagi ito ng sinumpaang tungkulin ng Amerika lalo’t matagal na nitong kaalyado ang Pilipinas.
Kahit hindi na anya humingi ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte ay awtomatikong sasaklolo ang Estados Unidos dahil na rin sa nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa.
Gayunman, hindi na idinetalye ng embahador kung anong klase tulong ang ipinaabot nito sa gobyerno ng Pilipinas sa pagsugpo sa teroristang grupo.
By Drew Nacino
US tuloy ang ayuda sa kampanya kontra ISIS-Maute sa Marawi was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882