Tuloy pa rin ang Estados Unidos sa pagbibigay ng kagamitan sa militar.
Sa Press release ng US Embassy ngayong araw, ipinagmalaki nito ang 24 na palete ng mga bagong counter terrorism equipment na idinonate nila sa Philippine Marine special operations group sa Clark Air Base, noong nakaraang sabado.
Kinabibilangan ito ng Harris Radios, Ballistic Helmets, at diving gear na magagamit sa fast boat operations at counter terrorism.
Ayon sa embahada ng Amerika, ang tulong na ito ay bahagi ng US grant program na layong tulungan ang mga secuirty forces sa ibat ibang bansa na gumagawa ng counterterrorism operations.
Bukod dito makatatanggap din ang Philippine Marines ng radio training.
Bukod sa marines, binigyan din ng US ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police-Special Action Force ng Anim na kahon ng mga bagong communications equipment.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal