Hindi dapat i-ugnay sa pagsuporta ng Amerika sa kampanya ng Pilipinas laban sa terorismo ang pangamba ng Estados Unidos sa human rights issues at war on drugs ng Duterte Administration.
Ayon kay U.S. Secretary of State Rex Tillerson, hindi naman hadlang ang issue ng drug war sa pagbibigay tulong ng Amerika sa Armed Forces of the Philippines na nakikipaglaban sa mga miyembro ng Maute-ISIS sa Marawi City.
Sa katunayan anya ay tumutulong ang Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon, surveillance capabilities gaya ng mga eroplano at unmanned aerial vehicle upang mapabilis ang pagtapos sa giyera sa Lanao del Sur.
Inihayag naman ni Tillerson na bagaman maituturing na trahedya ang sinapit ng Marawi, nagsisimula namang ma-control ng gobyerno ang sitwasyon.