Tutulong ang Amerika sa pag-apula ng sunog sa Mount Apo na nasa ika-siyam na araw na.
Ipinabatid ito ni Philip Dizon, negosyante sa Davao at Pangulo ng American Chamber ng Mindanao matapos siyang magpasaklolo sa Estados Unidos para mas mapadali ang pag-apula ng sunog.
Gayunman sinabi ni Dizon na hindi pa nila batid kung anong tulong ang ibibigay ng Amerika para maresolba ang problema sa nasabing sunog.
PDRRMC
Itinigil ng Davao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang operasyon ng dalawang super huey helicopter para maapula ang sunog sa Mount Apo.
Ito ayon kay Harry Camoro, pinuno ng PDRRMC ay dahil zero visibility pa rin ang paligid ng Mount Apo na pinagmumula ng makapal na ulap at usok.
Nangako naman si Camoro na ipagpapatuloy nila ang operasyon kahit kulang ang dalawang helicopter na ginagamit sa pag-apula sa naturang sunog.
By Judith Larino