Tutulungan ng United States ang Pilipinas sa pagpapalakas ng estratehiya laban sa pag-abuso sa iligal na droga.
Ayon sa US government, sa pamamagitan ng Department of State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs, sasanayin ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga strategy upang maiwasan ang epekto at mabawasan ang demand ng iligal na droga sa Pilipinas.
Layunin nitong maging maayos ang kalusugan ng bawat isa, maiwasan at makontrol ang paggamit ng iligal na droga sa bawat kumunidad sa bansa.