Sinelyuhan na ng US,UK at Australia ang isang espesyal na security deal na magbibigay ng karagdagang defense capability sa Royal Australian Navy.
Sa ilalim ng kasunduang tinawag na Aukus, magpapalitan ng advanced technologies ang tatlong bansakabilang ang pag-acquire ng mga nuclear-powered submarine para sa Australia.
Layunin din ng Aukus na ma-protektahan ang interes ng tatlong bansa sa indo-pacific pacific region at mapigilan ang anumang banta at lumalawak na pwersa at impluwensya ng China.
Bukod sa advance weapon system, tututok din ang kasunduan sa cyber capabilities, artificial intelligence at karagdagang undersea capabilities. — sa panulat ni Drew Nacino.