Tatlong aircraft carriers mula US, isa mula UK at isang helicopter carrier mula Japan ang nagsagawa ng joint exercises sa strait of Taiwan.
Kinumpirma ng Defense Ministry ng taiwan nakasama rin sa joint naval drills ang Australia, Canada, Netherlands at New Zealand.
Naganap ang aktibidad sa kasagsagan ng pagpasok ng mahigit 150 Chinese military aircraft sa Taiwanese airspace simula noong Biyernes.
Nagpapatrol din sa ilang bahagi ng West Philippine Sea at Bashi channel ang ilan sa mga barko ng US tulad ng mga nuclear powered aircraft carrier na USS Ronald Reagan at Carl Vinson.
Samantala, kinumpirma naman ng Vietnam na base sa kanilang satellite imagery ay binuntutan ng ilang barko ng China ang mga US at British warship malapit sa karagatan ng Northern Luzon.—sa panulat ni Drew Nacino