Muling sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos, United Nation at European Union.
Sa kanyang pagharap sa mga negosyante sa 42nd Philippine Business Conference, nanindigan si Pangulong Duterte na mapapahiya lamang ang mga US, UN at EU kung tatanggapin nito ang imbitasyon na imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings sa Pilipinas.
Ayon kay Duterte, tiyak na hindi uubra sa kanyang pagtatanong at mapapahiya lamang ang mga ipadadalang kinatawan ng US at ng dalawang nasabing organisasyon.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino