Bibisita ngayong araw sa Palawan si US Vice President Kamala Harris.
Ito ay para ipakita ang suporta sa Pilipinas, na matagal nang kaalyado ng Estados Unidos at pagtutol sa lumalaking impluwesiya ng Beijing sa rehiyon.
Si Harris ang pinakamataas na opisyal ng us na bibisita sa Western Island ng Palawan, pinakamalapit na isla sa mainit na pinagtatalunang South China Sea.
Inaasahan namang makikipagkita ang US VP sa mga mangingisda at miyembro ng Philippine Coast Guard sa lugar.
Matatandaang bago ito, nakipag-courtesy call muna si Harris kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa malakanyang, kung saan binigyang-diin nito ang walang-humpay sa suporta sa Pilipinas laban sa mga bansang umaangkin sa ating teritoryo.