Hinangaan ni US Vice President Kamala Harris si Vice President Sara Duterte hinggil sa magkasabay na trabaho bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Kabilang sa napag-usapan ng dalawang lider ang larangan ng edukasyon sa bansa.
Iginiit ni VP Sara na naapektuhan ang edukasyon ng kabataan dahil sa COVID-19 pandemic kung saan nagresulta ito ng learning loss.
Samantala, nakipag-ugnayan ang pamahalaan ng Pilipinas sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa skills training ng mga estudyante sa Senior High School. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla