Dumating na sa Puerto Princesa City Port sa Palawan ngayong hapon si US Vice President Kamala Harris Lulan ng isang US Aircraft.
Sasakay si Harris ng BRP Teresa Magbanua o MRRV-9701 ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa paglibot nito sa isla at pakikipag-usap kaugnay sa maritime operations sa Palawan.
Bilang seguridad, buong pwersa ng Philippine National Police at Philippine Army ay nakabantay sa lansangan ng Puerto Princesa para mabantayan ang opisyal ng Estados Unidos.
Nagsagawa rin ng diving inspection sa paligid ng BRP Teresa Magbanua ang PCG para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng opisyal at iba pang indibidwal na kabahagi sa pagdating ng US Vice President.
Si Harris ang pinakamataas na opisyal ng US na bumisita sa Western Island ng Palawan, pinakamalapit na isla sa mainit na pinagtatalunang South China Sea.
Bago magtungo sa Palawan, una munang nakipag-courtesy call si harris kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa malakanyang, kung saan binigyang-diin nito ang walang-humpay sa suporta sa Pilipinas laban sa mga bansang umaangkin sa ating teritoryo.