Kinumpirma ni US Vice President Kamala Harris na nagpositibo siya sa COVID-19.
Wala namang sintomas ng COVID-19 ang opisyal na ngayo’y naka-isolate.
Sinabi pa ni Harris na naktanggap na siya ng COVID-19 vaccine at nakatanggap na ng booster shot.
Sinabi naman ng tagapagsalita ni Harris na si Kirsten Allen na matapos ang konsultasyon sa mga doktor ay pinayuhan ito na gumamit ng antiviral Coronavirus treatment na Paxlovid.
Tiniyak naman ng white house na si Harris ay hindi itinuturing na close contact ni US President Joe Biden.