Bibisita si United States Vice President Kamala Harris sa Pilipinas ngayong araw.
Inaasahang makikipagpulong si Harris kina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Vice President Sara Duterte.
Nakatakda ring bumisita ito sa Puerto Princesa, Palawan dahil hinahangad ng bansang US na ipakita ang pangako nitong suportahan ang Pilipinas sa West Philippine Sea.
Kaugnay dito, tinitiyak ng US na palakasin ang ugnayan sa Pilipinas. -sa panunulat ni Jenn Patrolla