Nabunyag na dalawang (2) US war planes ang lumipad sa ibabaw ng mga karagatan sa timog at silangang China.
Ginawa ng Estados Unidos ang joint military operation kasama ang Japanese fighter jets sa harap ng umiinit na tensiyon sa pagitan ng North Korea at China.
Ayon kay Major Ryan Simpson, hepe ng US Pacific Air Forces, ang ikinasang misyon ay isang malinaw na demonstrasyon na may kakayahan silang magsagawa ng operasyon kasama ang kanilang mga kaalyado.
Sinasabing senyales ito na umaasim na ang relasyon ng US at China kahit nagkaroon na ng meeting sina President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping noong Abril.
Samantala, nilinaw naman ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang na suportado nila ang ‘freedom of navigation’ at ‘overflight’ ng ibang bansa kung ito’y naaayon sa pandaigdigang batas.
By Jelbert Perdez
US warplanes nagsagawa ng misyon sa karagatang bahagi ng China was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882