Mismong ang United States Agency for International Development (USAID) ang lumapit sa BDO Foundation Incorporated upang mas mapaigting pa ang tulong para sa mga mangingisdang Pilipino.
Ayon kay Patrick Co, Partnership Specialist ng USAID fish right natutuwa sila dahil bukod sa BDO Foundation Incorporated, nakakuha rin sila ng suporta sa Bangko Sentral ng Pilipinas at sa BFAR para makapagbigay ng mas maraming tulong sa mga mangingisda sa pamamagitan ng financial literacy program.
Sinabi sa DWIZ ni Co na ang fish right program ng USAID ay may iba’t ibang component subalit layon nilang talagang maidirekta ang tulong sa mga mangingisda katuwang ang mga ahensya at grupo tulad ng BDO Foundation Incorporated.
Kaya naman aniya nagtutulung tulong sila para mabuo ang fish and learn game na una nilang ipinatupad nuong 2021.