Nagkaloob ang Estados Unidos ng aabot sa P23-M na halaga ng reading materials sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).
Pinangunahan ni USAID deputy assistant Administrator Leanna Marr ang pagturn-over ng nasabing donasyon sa Department of Education sa Bicol, bilang bahagi ng pagbisita nito sa bansa at pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas at US sa sektor ng edukasyon.
Kabilang sa naging aktibidad ni Marr ay ang pagbisita sa USAID-Supported Inclusive Education Community Resource Center sa Sorsogon.
Nakipagkita rin si Marr sa mga benepisyaryo ng USAID-Sponsored Programs na nakatuon sa Youth Development at Out-of-School Youth Education at Employment.