Naglaan ng P280 million pesos o $5.7 million dollars ang United States Agency for International Development (USAID) para sa apat na bagong proyekto nito sa Pilipinas.
Sa isang virtual event, pinasinayaan ni USAID Philippines Deputy Mission Director Patrick Wesner ang mga proyekto katuwang ang gobyerno, civil society, pribadong sektor, at akademya.
Ayon sa US Embassy, bahagi ito ng Generating Rural Opportunities by Working with Cooperatives (GROW-Coop )Program na inilunsad noong nakaraang taon na layong palawakin ang mga oportunidad sa trabaho sa mga mahihirap na komunidad sa bansa.