Sinimulan na ng Estados Unidos ang pamamahagi ng mga arm chairs o mga silya para sa mga eskwelahan na naapektuhan ng krisis sa Marawi City.
Sa impormasyong ipinalabas ng US Embassy sa Maynila, naipamahagi na ng USAID o US Agency for International Development ang unang batch ng mga donasyong upuan.
Ayon sa USAID, aabot sa 6,500 mga silya ang kanila nang naibigay sa limang (5) eskwelahan sa Saguiaran, Lanao del Sur kung saan naka-enrol ang mga mag-aaral na naapektuhan ng krisis sa Marawi City.
Matatandaang noong Setyembre inanunsyo ng Estados Unidos ang pagbibigay ng 730 million pesos na halaga ng tulong para relief at recovery ng Marawi City.
Habang noong nakaraan lamang, nailigtas ng mga otoridad ang 17 pang bihag ng grupong Maute sa Marawi City.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kabilang sa mga na-rescue ang siyam (9) na lalaki at walong (8) babae na nasa labing walo (18) hanggang pitumpu’t limang (75) taong gulang.
Tumanggi pang magbigay ng dagdag na detalye si Lorenzana kung paano at kailan nailigtas ang mga nasabing hostage.
Gayunman, tinatayang dalawampu (20) pang bihag ang hawak pa ng Maute group.