Balik na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Inanunsyo ito mismo ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Dureza na binuhay ng gobyerno ang unilateral ceasefire na epektibo sa sandaling maipaalam na ito sa magkabilang panig o bago ang susunod na pag-uusap sa Abril.
Welcome sa BAYAN
Samantala, winelcome ng BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan ang anunsyo ng gobyerno hinggil sa resumption ng peacetalks sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, isang magandang pagkakataon ang nasabing desisyon na muling bumalik sa negotiating table ng magkabilang panig para maresolba ang pinakaugat ng armadong pakikibaka sa pamamagitan ng socio-economic, political at constitutional reforms.
Dahil ditto, sinabi ni Reyes na epektibo na rin ang mga naunang pinirmang kasunduan, base na rin sa pahayag na inisyu kapwa ng peace panels ng gobyerno at NDFP o National Democratic Front of the Philippines.
Kabilang dito aniya ang JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, pagpapalaya sa NDFP consultant at iba pang may sakit na bilanggo at ang posibleng pagdedeklara ng bilateral ceasefire matapos masagot ang ilang kondisyon.
By Judith Estrada-Larino