Sisimulan na sa susunod na buwan ang pormal na pagpapatuloy ng negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines.
Ito ang napagkasunduan ng mga incoming peace negotiators ng pilipinas at ng CPP-NPA sa isinagawang closed door informal talks sa Oslo, Norway.Kapwa lumagda ang dalawang panig kaninang pasado alas dose ng madaling araw oras sa pilipinas kung saan, sumasang-ayon ang mga ito sa isang tigil putukan.
Nagkasundo rin ang dalawang panig na muling ayusin ang nilagdaan nilang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.
Sa ilalim ng JASIG, binibigyang proteksyon nito ang mga negosyador, consultant at tauhan ng mga sangkot sa peace talks mula sa anumang banta sa seguridad gayundin sa pananagutan sa batas habang umuusad ang negosasyon.
Nakasaad din sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng ndf at ng susunod na administrasyon ang pagpapalaya sa lahat ng mga political prisoners gayundin ang pagpapalaya rin sa mag-asawang NPA leader na sina Benito at Wilma Tiamzon.
By: Jaymark Dagala