Inalok ng South Korea ang North Korea na magsagawa ng military talks upang maresolba ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa mungkahi ng Defense Ministry ng South Korea, plano nilang isagawa ang pag-uusap sa border ng bayan ng Panmunjun sa Biyernes samantalang nais ng North na isagawa ito sa Agosto 1.
Sakaling, matuloy ang pag-uusap, magkakaroon na ng pagkakataon ang nagkahiwalay na mga pamilya noong 1950 hanggang 1953 Korean war na muling magkita-kita.
Umaasa naman ang South Korea sa positibong sagot ng North Korea.
Ito ang unang pagkakataong inalok ng pag-uusap ng South Korea ang North sa ilalim ng bagong halal na Presidente ng South na si Moon Jae –In.
- Krista De Dios