Tila lumalabong makamit ng Syria ang kapayapaan sa lalong madaling panahon.
Ito’y makaraang magbitiw Syrian Opposition Chief Negotiator na si Mohammed Alloush dahil umano sa kabiguan na magkaroon ng negosasyon sa Geneva, Switzerland na pinangasiwaan ng United Nations.
Ayon kay Alloush, hindi nagtagumpay ang tatlong rounds ng peace talks dahil sa kabagalan ng magkabilang panig at patuloy na pambobomba ng rehimen ni President Bashar Al-assad sa mga rebel-controlled area sa kabila ng ceasefire.
Inakusahan din ni Alloush ang international community ng kakulangan sa aksyon upang maibsan ang paghihirap ng mga taga-Syria na limang taon ng apektado ng civil war.
Dapat anyang tutukan muna ang humanitarian issues, access to aid at pagpapalaya sa mga prisoners of war alinsunod sa ceasefire.
By Drew Nacino