Handa na ang Office of the Ombudsman na muling buksan ang imbestigasyon nito kaugnay sa DAP o Disbursement Acceleration Program ng dating Administrasyong Aquino.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni Budget Secretary Benjamin Diokno na humihingi sa kaniya ang Ombudsman ng mga dokumento hinggil sa nasabing programa.
Una nang inihayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nakakuha na sila ng mga dokumento mula sa tanggapan ni Diokno at nag-alok pa ang kalihim na magbibigay pa ng mga karagdagan hinggil sa usapin.
Sakaling makapaglatag ng matibay na ebidensya ang imbestigador ng Ombudsman, pagtitiyak ni Morales na muli niyang bibisitahin ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Magugunitang ibinasura nuong Marso ng Ombudsman ang kasong administratibo na inihain laban sa dating Pangulo gayundin kay dating Budget Secretary Butch Abad at Undersecretary Mario Relampagos.
By: Jaymark Dagala