Hinimok ng isang dating kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nation si Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin na ang problema sa liderato ng DFA o Department of Foreign Affairs.
Ito’y makaraang maunsyami ng ilang beses ang kumpirmasyon ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr sa makapangyarihang commission on appointments bunsod ng usapin sa citizenship.
Ayon kay dating Philippine Ambassador to ASEAN Wilfrido Villacorta, posibleng malagay sa alanganin ang mga repormang panlabas ng Pilipinas kung may problema ang mismong liderato ng DFA lalo na’t papalapit ang ASEAN Summit sa Pilipinas sa Nobyembre.
Una rito, maugong na rin ang balitang papalitan si Yasay ni Senador Alan Peter Cayetano bilang pagtupad sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya.
By Jaymark Dagala