Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao na ibinabato laban sa kanya.
Sa isang talumpati ng Pangulo kaalinsabay ng ASEAN Summit sa Laos, isa-isang ipinakita ng Pangulong Duterte ang ilang lumang larawan na nagpapakita ng umano’y pagmamalupit na ginawa ng mga Amerikano laban sa mga katutubo sa Mindanao.
Ayon sa ilang Indonesian diplomat na nakapanayam ng Agence France Presse, napatahimik at nagulat ang lahat nang magsalita ang Pangulong Duterte hinggil sa usapin.
Magugunitang nagbulalas ng maanghang na salita ang Pangulong Duterte nang sagutin nito ang tanong hinggil sa umano’y plano ni US President Barack Obama na kausapin siya hinggil sa mga kaso ng human rights violation sa bansa dahil sa kampaniya nito kontra krimen at iligal na droga.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AFP