Tumangging magkomento ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa tanong kung puputulun na rin ng Pilipinas ang relasyon nito sa Estados Unidos sa aspeto ng humanitarian assistance.
Kasunod ito ng naunang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing na winawakasan na nito ang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika partikular sa aspeto ng humanitarian assistance.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, bagama’t hindi naman pumapalya ang Amerika sa pag-aabot ng tulong tuwing may kalamidad, bahala na aniya ang Department of Foreign Affairs na umapela ng tulong mula sa international community.
Sa ngayon, hindi pa nagpapalabas ng apela ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa dahil nananatiling kontrolado ng gubyerno ang sitwasyon at inaalam pa kung anong klaseng tulong ang dapat ipaki-usap sa ibang bansa.
By: Jaymark Dagala