Pumalag ang Liberal Party sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman talaga sila concern sa kaniyang kalusugan kundi nais lamang nitong matiyak na siya’t mamamatay.
Ayon kay LP President at Senador Francis Pangilinan, hindi lamang personal kung hindi isang pambansang usapin ang lagay ng kalusugan ng punong ehekutibo.
Malinaw aniya ang nakasaad sa saligang batas na dapat malaman ng publiko ang lagay ng kalusugan ng Pangulo lalo’t bahagi ito ng kaniyang trabaho kaya’t dapat itong sundin ng Malakaniyang.
Magugunitang kapwa nanawagan sina Pangilinan at ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima sa palasyo na maglabas ng medical bulletin ng Pangulo bilang bahagi ng transparency sa pamahalaan.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno