Inusisa ni Senadora Grace Poe ang naging pahayag ni retired SPO3 Arturo Lascañas hinggil sa Laud Quarry kung saan, inililibing umano ang mga biktima ng DDS o Davao death Squad
Nagtataka ang Senadora kung bakit hindi na umusad ang imbestigasyon ng pulisya hinggil dito sa kabila ng pagkatig ng Korte Suprema na buksan ang naturang lupain na pagmamay-ari ng isang SPO4 Ben Laud
Ngunit ayon kay Police Director Augusto Marquez, hindi na nila nagawa pang bisitahin ang nasabing lugar kahit pa may kautusan na ang korte na gawin iyon
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag sa Senate hearing
Lumabas sa pagdinig na tumutol ang may-ari ng lupa na halughugin ang nasabing lupain sa pamamagitan ng abogado ng pamilya Laud na si Vitaliano Aguirre na Justice Secretary na ngayon
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag sa Senate hearing
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno