Binira ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio dahil sa pagpupumilit nito sa administrasyon na igiit ang naipanalong arbitral ruling hinggil sa pag-aangkin sa West Philippine Sea.
Ito’y makaraang igiit ni Carpio sa pamahalaan na muling magsampa ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa umano’y bantang pakikipagdigma ng Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Duterte sa isang pagpupulong.
“Si Carpio, daldal nang daldal, p— ina, wala namang ginagawa noon. So, gusto niya punta ko doon sa UN (United Nations) for the enforcement,”
Sa kaniyang talumpati sa ika-119 na anibersaryo ng Philippine Navy sa Davao City, inihalimbawa ng Pangulo sa usapang lalaki ang isyu ng territorial dispute sa pagitan ng China at Pilipinas
“Ganito ‘yan. Usapang lalaki ‘yang away. Sabihin ko sa kanya, ‘P— ina mo, umalis ka diyan, akin ‘yan.’ Sabihin niya, usapang lalaki. ‘Eh p— ina mo, bakit ako aalis dito? Amin ‘to.’ Sabi, ‘Umalis ka.’ Sabi niya, ‘Ayaw ko.’ O anong gusto mo? Ganon ‘yan. Ang sabi dialogue, peaceful resolution, when will it end? Hanggang kailan ako makikipag-usap?”
Muling binigyang diin ng Pangulo na iginiit na niya nuon ang arbitral ruling na nakuha ng Pilipinas laban sa China ngunit hindi ito nagkaroon ng magandang resulta
“The arbitral ruling places the South China Sea in our jurisdiction. But the Chinese has insisted and has made well known their stand that it is theirs and they will die for it. At ngayon itong si Carpio para bang gusto niyang lugawin ko, that I will pursue the matter, tawagin ko ‘yung mga countries to help us.”
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Duterte binira si Carpio kaugnay sa arbitral ruling sa WPS was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882